facebook twitter google plus
Nag-iisang taga-pagmana.♛
  

Posts tagged pagong.

Yeah.

(via kathleengia)

#pagong  

Dahil sa incognito to eh.

Nakakainis. Namimiss nanaman kita. Ayokong nararamdaman to eh. Bumabalik yung sakit na nararamdaman ko. Akala ko kasi naka move on na ko sayo eh. Ok na ko na hindi na ko nakikialam sa buhay mo, ok lang kahit hindi na ko updated sayo. Ok lang, wala na kong pakialam eh. Bakit ba naman kasi naisipan ko nanaman magopen ng incognito eh. Napabisita ko sa fb mo. Tiningnan yung mga posts at pics mo. But I ended up missing you. Ganon na lang ba talaga yon? Di na pede ibalik? Sayang eh. Sayang pa din hanggang ngayon! 5 yearsssssssssss! Anak ng pota! Ang hirap hirap lang ng sitwasyon ngayon kasi andito ako, andyan ka sa malayo. Ayaw mo na ko magtext sayo. Inunfriend mo ko sa lahat ng accounts. Di naman tayo friends sa skype. Di mo naamn ako ine-email. Ayaw mo naman ako kausapin. Hindi ko alam kung paano eh pero gusto kong mag-usap na ulit tayo. Alam kong may kasalanan din ako. Hindi mo na ba ko mapapatawad? Hindi mo man sabihin sakin, alam kong sobrang sama ng loob mo sakin. I knowwwwwww. Naguguilty na nga ako sa mga ginawa ko. Eh kaso its too late naman na din para magsisi pa. Haaaaaaaaizzzzzzz. Nakakainis kasi namimiss kita pero wala naman akong magagawa eh. Ayaw mo na sabi mo. Di na ba talaga mababago? Isa pa, it makes me sadder kasi 10days na lang birthday ko na. Iniisip ko kung iggreet mo ba ko or hindi. Pero malamang sa malamang eh hindi na. It was way back 2011 nung hindi mo ko binati nung bday ko at sobrang sama ng loob ko nun. Isa pa un sa mga ayaw kong maramdaman eh. Hayy. Sana kasi bumalik ka na lang…sa Pilipinas at sa akin…

9 months ago on 10/16/13 at 12:16am

Its been a year.

Ang dami nang nagbago. Last year, August 13, 2012, i will never forget that. It was the very first time na nagpakita ka ng effort at pinatunayan mong seryoso ka. I was mad at you for postponing our date, you came all the way para lang magsorry ka at para sabihing ireschedule na lang. I was moved, sa tinagal tagal ng panahon, kinilig ulit ako. Syempre, pinatawad kita agad, dahil mahal kita at naramdaman kong importante din naman pala ako sayo. Pero dati yun. August 13, 2013, ngayon, mag-aapat na buwan na tayong hindi nag-uusap. Dati, andyan ka lang sa Dasma, ngayon asa Canada ka na. You know what hurts? Yung sinabi mong you will never let me go. Pero ngayon, ikaw pa tong ayaw makipagusap sa akin. Ikaw naman din mismo yung lumayo at nang iwan. I tried na balikan ka kasi mahal kita talaga. But you rejected me. Kelan mo ba naman ako tinanggap? Lagi ka namang ganyan eh. Di ko alam kung bato ba yung puso mo o manhid ka lang talaga. Oo, masakit, pero medyo sanay na din ako sa ganito nating drama. Pang-ilan na ba kasi to? I admit, madami din akong kasalanan sayo. Hindi kita masisisi kung galit ka, or pikon ka na sakin. Hindi lang ako matahimik na ganito yung sitwasyon natin. Hindi ko maconsider na closure yung usapan natin. Hindi ko alam kung umaasa pa ba ako or sadyang maligalig lang talaga ako. Gustong gusto ko mang sabihin sayo kaso ayokong sumbatan ka. Naaawa lang din ako sa sarili ko na in five years time, parang hindi mo naman naappreciate yung mga bagay na ginagawa ko para sayo. Ako na nga yung mas nag e effort kaso wala pa din. Ako pa din yung talo. Ayoko mang bilangin… Pero sinundan kita sa sun network mo kasi nakaline ka dun. Di nagtagal, nagline din ako sa sun para mas convenient. Hindi naman ako masyadong mahilig maglaro sa fb pero dahil sabi mo, kahit panlalaki yung laro, naglaro ako. Para lang masaya tayo. Hindi din ako pala nood ng anime, pero nung sinabi mong gusto mo yun, nagdownload ako ng sandamukal na anime para makarelate sayo. Nung first year pa lang tayo, sabi ko tsaka lang tayo magkikita pag nasasaktuhan kong Dasma lang yung nasasakyan kong bus. Pero dahil gusto kong magkita tayo, kahit Mendez yung bus ko, bumababa ako sa Dasma para magkita tayo kahit saglit lang. Yung pauwi na ako, from Lawton, bayad na ko gang Olivarez, pero nagtext ka at sinabi mong magkita tayo, bumababa pa din ako ng Dasma kahit sayang yung pamasahe ko. Yung kahit maghintay ako sa Rob ng ilang oras kasi hinihintay kitang umuwi. Yung kahit sinabi ko na sa nanay ko na nasa Bacoor pa lang ako kahit na nasa Dasma na talaga ako kasama mo. Yung 11:30am uwian ko na,pero pipilitin kong umuwi ng bandang gabi na para lang mahabol ko yung oras mo ng uwian para magkta pa din tayo. Yung kahit na hindi ako sigurado kung magkikita tayo, tatantsahin ko pa din yung oras, nagbabaka sakaling makita ka. Yung kahit na gabihin ako sa paguwi basta makita lang kita, ok lang. Yung kahit na mas matagal pa yung pinaghintay ko kesa sa pagkikita natin. Alam kong mababaw lang tong mga rason na to para sayo. Pero in five years time, pilit kitang inintindi kahit hindi na kita maintindihan. Tinatanggap pa din kita kapag bumabalik ka kahit nasaktan ako ng ilang beses. Siguro tanga nga talaga ako dahil mahal kita at ako pa rin tong si tanga, mahal ka pa rin hanggang ngayon, umaasang malinawan sa sitwasyon natin. Naiinis kasi ako na sabi mo babalik ka ng Pilipinas kasi magdodoktor ka dito, di ako sigurado. O baka sinabi mo lang yun kasi tayo pa non, pero kasi sabi mo, babalik ka eh. 😔 o baka katulad lang din nung huli tayong nagkita, sabi mo hindi yun yung huli, pero yun na pala. Hayyyy. Apat na buwan na, baka miss lang kita kaya ako ganito? Kung pede ba kasing tayo na lang ulit? 😢

11 months ago on 08/14/13 at 12:27am

I want you back again.

#Nurse  #Pagong  #<3  

Masakit pa rin pala.

Its been a month. Bat ganun? Akala ko wala na tong feeling na to. Akala ko natanggap ko na to. Bat naiisip nanaman kita? Bakit naaalala nanaman kita? Bakit ko ba niloloko yung sarili ko na hindi kita namimiss? Eto nanaman yung feeling ng panghihinayang. Dahil lang sa isang maliit na bagay. Mas pinili mo yung pride mo. Ayoko naman sana kasing awayin ka nun eh, hindi ko lang mapigilan kasi nadadagdagan ng nadadagdagan yung sama ng loob ko. Di ko lang kayang hindi sabihin dahil para akong sasabog sa sobrang inis at galit. Pinilit ko namang pigilan kaso, wala e. Sabi mo pa nga, "sorry na, i’ll get one thing straight.. i won’t force you to believe. but i’m not letting go of you either.. that’s because i love you.. okay? I love you!!". Tapos akala ko okay na tayo. Then all of the sudden, di mo na ko kinakausap. I tried to call you but you rejected my calls. Tapos sabi mo ayaw mo na kasi pagod ka na sakin. Alam kong may pagkakamali din ako sayo. Pero sana mas binilang mo yung times na napasaya kita kesa binilang mo yung pagkakamali ko. Haiz. Sayang. Sayang tayo. Sumuko ka na agad. Iniwan mo nanaman ako. Tapos aalis ka pa ng Pinas at hindi ko alam kung babalik ka pa dito o kung babalik ka pa…. sa akin?

#pagong  #nurse  #:(  #&lt;/3  #him  
1 year ago on 05/15/13 at 12:54am